Lasing akong umuwi ng bahay bandang alas kwatro ng madaling araw. Partida, may pasok pa ako kinaumagahan. Kelangan kong gumusing ng alas sais ng umaga. Napasarap ang pagtambay ko kasama sina Sandara Park, Katrina Halili, Keso de Bola, Dennis Trillo, Rachel Lobangco at ang humabol na si Robert de Niro. Naparami ang Vodka Ice - libre kasi. Tatlong bars ang pinuntahan namin at kung sakaling maaprubahan ang proposal ko with Mc Donalds na itransform ang business into a BAR, apat na bars ang pinuntahan namin.
Late ng 30 mins ang gising ko. Pero dahil minsan akong nagtraining sa Military at may sapi rin ako ni The Flash, nakaabot pa ako sa oras. Pero puyat ako. Ang sakit sa ulo. Nag-inarte pa akong may sakit mapagbigyan lang ng boss kong makatulog sa oras ng trabaho. Epektibo naman. Paglabas ng "snooze box" - "hey, what happened to you? Are you OK? Fix your hair." "Ah, eh, owkey ser" ang sabi ko naman. Medyo caught-off guard ako sa mga panahong yun. Ininglish pa ako, mas lalong sumakit tuloy ang ulo ko. Makalipas ang ilang sandali, nakikipagpatintero na naman ang antok. Mistulang iniinggit ako ng bawat upuan na makita ko. At ang mga ding-ding ay mistulang bumubulong na "sumandal ka sa akin." Maya't-maya ang mga nakaw na sandali ng pag-idlip ko.
Alas Dose na!!! Lunch na!!! yahoo!!! Pumunta ako ng Cafeteria bitbit ang baunan ko. Nilapag at binuksan. Nakita ko ang pulang ulam ko. Parang nagsibabaan ang mga anghel sa langit. Ang mga pipi'y nagsigawan. Tumalon ang mga pilay. Ang mga bingi'y nagkantahan at nag-jack n' poy ang mga walang kamay at mga bulag ay ay ay... wala lang. -isang MILAGRO! SUGPO ANG ULAM KO!!! Tandang-tanda ko pa ang bawat langhap , paghimay at pag-lasap ko sa apat na seksing sugpo. "ang sarap niyo." Makalipas ang lunch ng mga co-construction worker ko, tumuloy na ako sa cubicle ko para muling mag-hibernate. Pinatay ko ang ilaw para mas maging sensual ang pag-idlip ko. 1... 2... 3... PAK! ANG KATI!!! Napag-isip pa tuloy ako kung naligo ako bago pumasok sa trabaho. Hindi maganda ang serbisyo ng memory ko dahil medyo lasing pa ako. Inabot ako ng 10 minutes sa pagninilay-nilay ng pagligo ko.
Maya-maya, mas lumalala ang kati. Mistulang epidemyang kumakalat sa buong katawan ko ang kati. Inisip ko na baka mainit lang ang panahon. Pero hindi. Ibang level ang kati. Lumabas ako ng cubicle para magpalamig ng konti at makapaghilamos. Pag-labas ko ay nakita ako ng co-worker ko. "What happened to you? You're all red!" "ow rili?" ang sagot ko. Nag-isip naman kaagad ako. Nireregla ako? Bwahahaha. Pero teka, I was all red daw.Tumakbo kaagad ako sa RESTROOM para tignan ang sarili ko. Tinamaan ng... HAM NGA! RED NGA!!! Dali-dali akong pumunta kay TINA PANER para humingi ng anti-histamine. "Dis is impasibol. I don't hab allergy wid eyniting" "Sira-ulo ka!" "there's always a first time for everything." mabilis na tugon ni tina. "Kunin mo na nga mga gamit mo, itatakbo na kita sa ospital" "Wag kang OA, OK pa ako" sabi ko naman. "OO nga, OK ka ngayun, pero mamaya mamamanhid na buong katawan mo. At ang worst, hindi ka makakahinga." "weh, di nga? OA ka lang e." ang kontra ko. "ay naku bahala ka, ikaw na maging nurse!" "eto na nga kukunin ko na gamit ko e." Siya rin ang nagwagi. Pagdating sa hospital, namamaga na nga ako. Direct I.V. kagad. " O shiyet, masakit!"
Ang ending, pinauwi na ako ng bahay. Magpahinga na lang daw ako. WOW SABAW! Gusto ko niyan! Puyat ako e. Pagdating sa bahay, kamot pa rin ako ng kamot. Naligo ako ng mainit na tubig. Yung kumukulo. Di pa rin nawawala ang kati. Naghanap ako ng mabisang substitute sa kuko ko na pununong puno na ng dead skin cell ng mga panahon na yun. At natagpuan ko ang hair clam ng nanay ko! Panalo to. Ayos! SOLB! Nahiga na ako at nagpaantok kasabay ng pagkamot sa buong katawan ko. After 5 hours. -- tulog pa rin ako kasi 6 hours akong nakatulog. Paggising ko, wala na ang kati. YAHOOO!!!! Nawala man ang kati, nakakalungot namang isipin na WALA NA RIN ANG SUGPO! Yaya you're such a loser! haaaay. (T_T)
Friday, October 17, 2008
Subscribe to:
Comments (Atom)