Mag-aalas dos na ng madaling araw at kakatapos ko lang gumawa ng limang sets ng exam para sa friday, Tinapos ko na ngayung wednesday pa lang (pero technically thursday na kasi madaling araw na e) para maabisuhan ko na kung sino man ang substitute teacher sa mga klaseng maiiwan ko sa viernes habang naglalakwatsa ako sa Maynila.
Ansakit sa ulong isipin na pinagpupuyatan ko ang bagay na paghihirapan din ng iba. Naisip ko na nga rin minsang dayain na lang ang exam at hulaan na lang ang grade na pwedeng ibigay sa kanila.Pero hindi. Ayoko namang lokohin ang sarili ko kapalit ng baryang ibinabayad saken ng eskwelahan. Ngayun ko naisip na ang hirap pala ng buhay nila Ma'm Bore ng Biology nung High school, sir balois ng soc sci., Ma'am Rucan ng PE, Ma'am Daduya at Figueroa ng English at Ma'am Sidon ng Filipino. Isama mo na rin ang buhay ni Ma'am Escudero at Michelle Mendoza. Pota, ang hirap maging isang guro! At ang kapalit ng pagbibigay ng exam ay isang malinis na papel na hindi man lang napatakan ng tinta ng bolpen maliban sa pangalang isinulat na minsa'y missing in action pa. Di ko lubos maisip na yung papel na pinagsulatan ng exam ay dudumihan lang at sasagutan ng mali-mali o kung mas malas at wala talagang mapiga, ibabalik na ang papel after 10 seconds na ma-scan ng estudyante at magkamot ng ulo.
Bakit pa kasi word processed ang exam na ginawa ko e di naman kame required sa school na mag-encode pa. Tamang hand-written questionnaire lang tabla tabla na raw. E ayoko ng ganun, nagpapalakad nga ako ng papel e. At ang ink ng printer ko mistulang naghihingalo na dahil nagbubuga na ito ng red at black ink sa papel. Parang Pugita lang. Bakit ko nga ba kelangan pang pahirapan sarili ko e hindi ko naman pakikinabangan kung may natutunan man sila sa akin o wala. Mas matutuwa pa nga siguro ako kung wala silang natutunan. Sa gayun, mas magiging madali para sa mga Pinoy ang makipagsabayan. Pota, mukhang mahirap pa rin. Kasi kung wala naman sila, kawawa rin ang iba, malamang ang iba sa amin tumatanggap na ng labada sa mga oras na ito.
Be proud you are a teacher, the FUTURE of KOREA depends on you! -- asteg!!!! Tulog na ako. Baka Di ko pa mapacheck sa bisor ko bukas ang mga exam papers ko pag na-late ako!
Wednesday, September 3, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment