Tuesday, August 19, 2008

the land of the beheaded "APO"

Malayu-layo na nga ang narating ng lungsod ng OLONGAPO. Mula sa mapagpakumbabang malawak na palaisdaan hanggang sa isang maunlad(?) na lungsod, mula sa noo'y nangangambang muling pagbangon mula sa bundok ng abong bumalot sa buong bayan hanggang sa isang masiglang siyudad, mula sa simpleng buhay hanggang sa isang markadong lugar dulot ng likas na yaman at ginintuang pamana, mula sa asul at pulang patay-sinding ilaw sa Calapandayan hanggang madagdagan ng orange, yellow,pink, purple, black-light, strobe light, flashlight at backlight - masasabing MAYAMAN NA NGA ANG LUNGSOD NG ULO NG APO. (taray!)

Sa kabila ng pagsulong ay ang mga tao, pangyayari, awitin, lugar, halaman, hayop, tae, kulangot at pati na siguro ang blackheads ng karamihan ay naging bahagi ng kinaluluklukan ng ating lungsod. Hindi ito isang pasasalamat sa lahat (or pwede na rin para di mashadong maangas ang dating) bagkus, ito'y isa lamang pag-alala,pagbabalik tanaw, sa mga bagay na unti-unting nababaon dulot ng patuloy na pagsulong ng Olongapo at ng mga mamamayan nito. Kung di ka taga-gapo, out-of-place ka sa usapang ito. At kung isa ka namang tulad ko na hindi man tubong Gapo ang mga magulang subalit binuo (uyyyy) , isinilang at nagkamalay dito, magbasa ka lang kung gusto mo. Pwede ka ring magreact wag lang mashadong epal.

Naisip ko lang... marami-rami pala ang mga bagay-bagay ang masasabing tatak Olongapo. Maging nakakahiyang bagay man yan, isipin mo na lang, hindi magiging ikaw kung sino ka ngayun kung wala ang mga ito.

Masasabing OLONGAPEƱO ka kung:

  • kaya mong sabayan ang jingle na "basura ay bigyang importansiya... upang Olongapo'y laging maganda.. ang wastong pagtapon ng ating basura.........."
  • alam mo ang JINGLE ni "MR. S PAWNSHOP" at mareng "ANNE RAQUEL's"
  • noo'y sikat ka kung may RAMBO slippers ka para sa tumbang preso, pero magtago ka pag dumating na ang may mga LOTUS bitbit ang JOURNEY bag nila.
  • DWOK ang number 1 fm station. Si double B ang tinitilian kasabay ng paghihintay sa LOVER's lane. Ilang beses ka rin sigurong nag attempt tumawag sa 222-2222 para magrequest ng kanta.
  • since nabanggit ko ang kanilang telephone number, minsan ka na ring nagbiro sa mga taong nagtatanong ng tel. no. mo at ibinigay ang numerong "222-22nog-tunog"
  • mas sikat si daddy daddy at tyson kumpara sa mga GORDON. Kung babae ka, natakot ka sa flying kiss ni daddy. At kung lalaki ka, padrino mo sila.
  • Ang rice cooker niyo siguro ngayun, o ang rice dispenser niyo ay nabili niyo pa sa STAR TV na siya ring dance floor ng magbestfriend na daddy at tyson.
  • Nangamba ka rin sa maaaring biglang pagsulpot ng katutubong si Roberto Solomon sa inyong bahay upang manghingi ng tubig at manghiram ng itak... baka kasi bigla kang tagain na ayon sa kwento ay gawain niya upang maghiganti. May picture pa siya sa paligid-ligid upang maiwasan.
  • Naniwala ka na may snow sa may bundok dun sa may kalaklan. wag kang adik!
  • sa palagay mo na ang CHOAS ay "for everything" pero nung tinry kong bumili ng cartolina, wala naman. Pumunta ako sa expressions at rona's wala na rin. sad :(
  • ang mga magulang mo ay may purchase passbook upang makapamili sa duty free.
  • nag-crave ka sa taco's, coffee shop ang unang pumasok sa isip mo. kahit malayo, sulit naman, malaki e. (may bayad ang advertisement dito ha.. taco's lang please)
  • Takot kang maligo (kahit gustong gusto mo) sa baloy, kale, ocean view at yang magkakatabing beach resort na yan dahil sabi nila, may lumulutang na PUPU. (kesho labasan daw ng dumi ang beach natin.. patay! sira ang turismo... uyy joke lang yata nila yun, pero once natry ko, meron nga! HAM NGA!)
  • nasasarapan ka sa isaw sa may jone's at sa may wesley. Pero gustong umapila ng barbekyuhan sa may kanto ng 7th. st., dekada na raw sila, wala man lang naging suki! hahaha. lol
  • bilib ka sa generic street naming ng gapo. 1st, 2nd, 3rd ....... teka nasan ang 10th? kung di mo alam, pwes meron 10th st. maliit nga lang. May alphabetical din tulad ng fendler st., gallagher st., hansen st., irving st., and so on and so forth.
  • naniwala kang may aswang sa may gordon heights. pangalan pa lang, minsan gusto ko ng maniwala.
  • pinipilit mong may KABABAE, palibhasa may KALALAKE! sige na nga, pati James Gordon elementary school ginawa na lang KABABAE elementary school ng karamihan. Hmmm... bakit kaya??? babae?? babae ba siya?? bababe ba? bababa? ba! ba!
  • sa tingin mo, hindi guguho ang AIM HIGH OLONGAPO sa may bundok, nagkamali ka at kasabay ng paggiba ng bawat letra tuwing bagyo ay ang parang pagkalugmok mo sa pagkasira ng matayog mong pangarap. Di ka mashadong nabahala, nung dumating ang mga president para sa APEC meeting, pinalitan ito ng AIM HIGH PHILIPPINES. asan na ngayun?
  • naniwala ka na ang tatlong krus malapit sa AIM HIGH OLONGAPO ay ang krus kung san pinako sina tito, vic at joey! hehehehehe!
  • ang tawag mo sa cable ay catv. "nanay: anak buksan mo ang tv at manonood tayo ng STV 6, panoorin ko muna yung babaeng reporter na mukhang nakasipit yung ilong at mukhang 2 years di natulog" anak: "nay, walang CATV!" ----busy signal.
  • sikat ka kung ang damit mo ay galing bye bye shop o kaya status!
  • naabutan mo ang jollibee sa lot 21 na express lang. puro to go, walang dine in.
  • nasarapan ka rin sa lugaw ng jepoy's sa may gordon ave. pero masuka suka ka nung biniro ka nilang "dinurog na butiki" raw ang binubudbod dun!
  • sa lumang palengke kayo namimili at hindi sa bago. mas mura kasi sa luma.
  • pinaghahandaang mabuti ang conti j. feeling mo mall na pagpupunta kayo dun. nanay: "anak, wag kang magdudumi at hindi kita isasama sa conti j, sige ka" -- e ano ngayun, di pumunta ka magisa mo! ahahahaha. lol
  • nagkaron ka o kung di man, may kilala kang naka MIGHTY KID!
  • na-enjoy mo rin ang usong laro nung panahong walang klase dahil sa pagputok ng pinatubo at may bundok pa ng abo --- ANG PATIBONG!
  • ang mga grand parades na sinamahan mo ay laging nagmumula sa maingate papuntang triangle. at kung expectator ka naman, super expect ka talaga na may maghahagis ng CANDY mula sa kung ano mang float yan.
  • hindi ka bilib sa mga sumasali ng miss olongapo... perahan kasi ang labanan.
  • excited ka pagpasok ng OCTOBER, alam mong may mardigras na naman.
  • excited ka rin sa pagpasok ng mga 3rd week ng november, may night market na naman. May excuse ka na para umuwi ng gabi.
  • ang alam mong BOSS ay BAWAT ORAS SAMA SAMA
  • tamad ka pero alam mong bawal. bawal lang naman daw e, pero hindi naman masama.
  • kilala mo ang GORDON, pero mas sikat pa rin talaga si DADDY at TYSON.
  • alam mo ang tamang pagpara ng yellow na jeep, depende kung pepsi o sta. rita ka pupunta. ang pagpara ng pepsi ay ituturo mo ang hintuturo samantalang ang pagposisyon ng hinlalaki na animo'y nagsisign language ng "OK" ay tungong sta. rita. Malamang pinagsabay mo rin ang mga senyas na yan, makapang-asar lang ng mga driver.
  • nangarap ka ring mailagay ang iyong pangalan sa "AIM HIGH ACHIEVERS"
  • hindi mo alam na ang rizal ave. patungong gate ng sbma (yung malapit sa james gordon hospital, pwede ring kababae hospital) yun nga, yung kahabaan na yun hanggang sa may bago dumating ng rotonda sa may magsaysay --- JUNGLE ang tawag dun! kung tinatanong mo kung bakit, pwes di ko rin alam , pero JUNGLE talaga ang tawag dun.
  • naapektuhan ka ng lubos nang ayaw bumaba ni DICK GORDON bilang chairman ng SBMA, wala kasing pasok, wala ka ring baon.
  • hindi ka naniniwalang ni-rape talaga si NICOLE. NEPTUNE ang pinuntahan, asa ka?
  • Favorite mo ang manager's special ng "sam's pizza" at ang pancit canton ng "rico's"
  • nakapaglaro ka ng TOUCHING RUNNER.
  • nakipagtrade ka ng NBA cards at Ghost Fighter text sa JKB malapit sa st. jo
  • pinilit mong parte ng WEST TAPINAC ANG NEW ILALIM - e hindi nga! magkaibang barangay yun. yung KABABAE nagpupumilit maging autonomus samantalang nagpapalawak pa ng kapangyarihan ang WEST TAPINAC! (teka lang, naconfuse din ako)
  • sa pagkakaalam mo, magkakapatid ang may-ari ng mga dating sinehan, cinema a, cinema b, cinema c, --magkakalayong lugar naman!
  • naabutan mo pa ang kasikatan ng dating CALJAM kung san nagmula ang career ni ariel pineda at kung san nagshooting ang "ANG UTOL KONG HUDLUM". May hard rock cafe rin nun.
  • sinubukan mo ring magbowling sa cosmic at pagsapit ng 9pm, magdidilim at may voice over "iiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiit's cosmic time" sabay magiging luminous ang mga bola. akala mo nasa ibang planeta ka na! astig! apir! di mo na napansin ang baho ng rented bowling shoes mo. kung hi-tech sila, malupet pa rin ang people's choice na kung san, sila "kuya" ang nagtatayo ng bowling pin na tinutumba mo! tira-tayo-tira-tayo--- ay canal-- buti na lang, nakapahinga si kuya!
  • nagsawa ka rin sa kwento ng kabaong na lumulutang sa tabacuhan twing bumabaha.
  • nafood poison ka o kung di man, may kilala kang nafood poison sa pagkain sa cindy's sa may columban.
  • feeling mo sikat na sikat ang wimpy's sa ibang lugar!
  • nasarapan ka sa tinapay ng mansion's
  • nagkayayaan kayo bilang tropa na magswimmig sa YMCA! nagbaon pa kayo ng cheesedogs, yes cornic, at kung anu ano pang mamisong pagkain.
haaay, di ba't tama ako? parte ang mga bagay na ito sa paghubog ng makabagong OLONGAPO, di man ito ang lahat, masayang nagdaan tayo sa mga kakatwang bagay upang mas mapayabong pa ang ating mahal na lungsod. Kung may mga bagay man akong nasagasaan, isyung nabuksan, paumanhin, di ko po sadya. Nawa'y malawak na pasensha na lamang ang ibahagi nyo sa akin! Sorry! adik lang! hehehe.

No comments: